"Tara na sa Pinas: Bulkang
Mayon"
Isinulat ni: Arlene Rivera
Tayo bilang
mga tao, hindi maiiwasan ang paghahanap ng aliw sa ating buhay. Bata pa lamang
tayo ay pinapangarap na natin nakapunta sa iba't-ibang lugar, sa sariling bansa
man natin o sa ibang bansa. Ninanais din natin na mapuntahan 'yung mga nakikita
natin o napapanood sa telebisyon para ba
tayong mga bata na sabik na sabik gumala at magsaya. Isama pa natin ang mga
barkada natin na sobrang 'excited' sa pagliliwaliw, iyon bang madaming
pinaplano. Pinag uusapan kung magkano ang magagastos o budget, maganda ba ang
view? Masasatisfy ba ang mga
gusto?
Isa sa hindi
ko malilimutan ay ang pagpunta ko kasama ang aking mga barkada sa Legazpi,
Albay kung saan ay doon matatagpuan ang buklang mayon. Maraming turista ang
nahuhumaling dito lalo na sa taas at perpektong hugis kona nito. Sa pamamasyal
namin mabuti't maganda ang panahon at kasabay din ng araw na iyon ay nagpic-nic
kami habang tanaw-tanaw ang magandan tanawin. Syempre di lang ako at ang mga
kaibigan ko ang nagsasaya sa magandang tanawin pati na rin ang mga turista na
nanggaling pa sa ibang lugar at ibang bansa. May mga kumukuha ng litrato, nagiikot-ikot,
syempre di ako at mga barkada ko papahuli sa pagkuha ng litrato, kuha dito,
kuha doon, tapos kaniya-kaniyang pose para lang may maiupload sa sosyal media,
ako nagpakuha ng litrato kung saan doon makikita na parang buhat-buhat ko ang
bulkang mayon. Habang ako'y naglilibot ng tingin at kumukuha ng litrato ay
napansin ko ang mga naggagandahang halaman sa paligid ng bulkan, mga punong
naglalakihan at ang taas ng bulkan na para bang abot hanggang langit, isama ko
pa ang sariwang hangin na dumadampi sa aking pisngi. Pagkatapos ng pamamasyal
ko at ang aking mga barkada sa bulkan mayon ay sumunod naman ang mga lugar sa
Legazpi kung saan ay talagang napaka ganda ng paligid, ang mga taong
nakasalamuha mo ay napakabait 'yun bang an init ng pagtanggap sa amin at sa
ibang mga bumibisita. Kakaiba talaga ang Legazpi, Albay at ang bulkang mayon.
Sulit ang
bakasyon ko at ng mga kabarkada ko, madami akong natutunan at natuklasan
tungkol sa bulkang mayon. Madami akong nakilala at nakasalimuha. Hindi ko malilimutan
ang bulkang mayon bagkus magsisilbi itong mga ala-ala sa akin lalo na't may mga
"souviner" at picture ako. Ito'y dadalhin ko hanggang sa pagtanda ko
at malay natin na makakabalik ako ulit doon at sa pagbabalik ko baka malaki na
ang pinagbago nito at marami ng turista ang dinarayo ang bulkang mayon. Sulit talaga
ang pamamasyal ko kahit na medyo nabutas ang bulsa. "It's more fun talaga
dito sa Pilipinas", nakakaproud na may ganito ang Pilipinas, nakakaproud
maging Pilipino. Kaya, tara na sa Pinas!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento